Sunday, August 30, 2009

Bayole(n)t Mags, Baw

Patapos na naman ang buwan at sa dinami-dami ng mga gawain (at mga dapat gawin pa!) ay may isang bagay na mahirap iisang-tabi na lamang, at iyan ang Bayole(n)t Mags.

Nuon pa naman gusto ko nang magsulat nang magsulat. Akala ko nga magtutuloy tuloy na ‘ko sa karera sa pagsusulat pero kinailangang tapusin ‘tong isang kurso na ‘to, dahil nagkaron ng iskolarsyip na mahirap tanggihan.

Kaya ngayon kahit sa tingin ko ay nasa lebel pa rin ng pagka–nobis ang aking pagsusulat ay patuloy ko pa rin ‘tong ginagwa. Ayokong malason na lang ako ng mga bagay na aking iniisip at hayaang mabulok sila sa aking utak. Mas mabuti pang isulat ko sila, sa pribado man o sa publiko gaya netong blag, kahit gaano pa sila kababaw. Ayokong kalawangin mula sa loob.

Dati ginusto kong gawin tipong blag ng mga aktibidad at karanasan tong B.M. Pero sa paglaon ay di ko na napigilang gawing lugar siya para bigyang daan ang mga kuru-kuro sa iba’t-ibang bagay – pulitika, literatura, musika, at kung anu-ano pa. Hindi ko igigiit na marami akong alam sa temang ito kaya ko sila tinatalakay. May paniniwal lang ako na kahit sinong tao ay may abilidad na tingan nang kritikal ang isang bagay. Hindi hadlang ang hindi pagkakaroon ng akses sa midya, mga libro, pinag-aralan, atbp, para hindi makapagi-sip ang tao. May utak tayo, may kanya-kanyang lebel lang talaga ng paggamit ang mga tao rito. Kung isang kuto ka hindi na ‘ko magtatakang wala kang maisip. (Sana nakuha mo kaibigang mambabasa ang punto ko.)

At sa tingin ko, hindi dapat hadlang ang mga gawain mo upang di ka malayang makapag-sip ng mga likha o kuru-kuro. Para sa akin, isang paraan ang blag upang i-eksoryas ang mga nakatagong nga ideya dyan sa mga isipan natin. Para siyang isang parte ng mga aktibidad mo, tipong ehersisyo ba. ‘Pag hindi mo ginagawa, may posibilidad na magkasakit ka. May mga bagay kang naiisip, ilabas mo sa paraang sa tingin mo ay maganda – likhang-sining, sulatin, talumpati, atbp. Kahit di mo ito bahagi sa ibang tao, walang problema. May mas malalim pang paliwanag ang pagpapahayag ng sarili at ng mga isipin gamit ang iba’t ibang midya o paraan (mag-ikot sa mundo ng pilsopiya at sikolohiya para rito), pero tama nang sabihin natin na hindi maikakailang bahagi ito ng pagiging tao natin.

Hindi man umayon sa mga teoryang naitagtag na ang iyong obra, wag kang mabahala. Isipin mo na lang na hindi sa lahat ng pagkakataon, maikakahon ng mga batayang teorya ang iyong sarili at ang paraan mo kung paano mo ito ipinapahayag.

Kaya tuloy lang mga blagers, ayon lang.

1 comment:

Anonymous said...

Another "TRUTH" that inspires me to LIVE...salamat.